Bicol, Mapanganib sa Lindol dahil sa Nakapalibot na Fault Lines
Ibayong paghahanda laban sa malakas na lindol ang ibinabala ng department of environment and natural resources sa publiko upang makaiwas sa anumang sakuna.
Sinabi ni mines and geo-sciences bureau bicol regional. Director reynulfo juan na lubhang mapanganib ang bicol sa lindol dahil dinaanan ito ng nakapalibot na fault lines sa pilipinas na maaaring gumalaw at maghatid ng matinding pinsala sakaling tamaan ng malakas na lindol.
Sa nagaganap umanong paglindol sa mga karatig bansa ng pilipinas sa asya at maging sa amerika hindi malayong tamaan din tayo ng naturang kalamidad.
Bagamat hindi matukoy ng kung kailan mangyayari ito, binigyang-diin ng opisyal na mas maganda na anya ang maging handa dito.