ipinahayag ng pamunuan ng kagawaran ng kalusugan na apat sa pangunahing ikinamamatay ng mga mamamayan mula sa central luzon ay ang sakit sa puso, cancer, diabetes at chronic respiratory diseases.
sinabi ni regional director rio magpantay na nagtutulong tulong na ang dalawampung ahensiya ng pamahalaan sa rehiyon upang maiwasan ang patuloy na pagdami pa ng mga namamatay dito.
kaugnay nito, inilunsad ng naturang kagawaran ang programang “healthy lifestyle to the max” na naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan ukol sa tamang pangangalaga ng kalusugan.